facebook script

Takipsilim: Ito Ba Ay Isang Kasaysayan Lamang?

“Ako ang pinakamapanganib na maninila dito sa daigdig. Ang lahat ng patungkol sa akin ay aakitin kang pumasok… Pinanukala ako para pumatay… Ninanais kong patayin ka. Hindi ko kailan man ginustong labis ang dugo ng tao sa aking buhay… Ang iyong samyo ay parang gamot sa akin. Ikaw ay tulad ng aking personal na klase ng heroina.”

Ganito ang sabi ng guwapong  bampira na si Edward Cullen, sa kaniyang parang tinamaan ng estrelya at nobyang 17 taong gulang na si Bella Swan, sa isang sikat na serye ng Twilight  (Takipsilim). Ano ba talaga ang ibig  ipadama nitong palabas na Twilight ? Ang mga bampira ay kathambuhay lamang, di ba? Ang katunayan ay…

Paano Ito Nagsimula

Itong lahat ay nagsimula ng isang madilim na gabi – Hunyo 1, 2003 (ang eksaktong petsa), ng ang isang di tunay na kilalang ina sa Arizona, na palagi sa bahay, na ang pangalan ay Stephenie Meyer ay nagkaroon ng isang misteryong panaginip. Sa kanyang opisyal na website, ay kanyang inilathala ang ganito, “Ako ay nagising (noong ikalawa ng Hunyo) mula sa isang malinaw na panaginip. Sa aking panaginip, ay dalawang tao ang matinding nag-uusap sa parang na kahuyan. Ang isa sa mga ito ay tulad ng isang pangkaraniwang dalagita. Ang isa naman ay hindi kapani-paniwalang maganda, kumikislap, na isang bampira. Masinsinan nilang pinag-uusapan ang mga likas na katotohanan na A) nahuhulog ang kalooban nila sa isat-isa  B) ang bampira ay lubusang naaakit sa amoy ng dugo ng dalagita, at nahihirapan niyang pigilin ang kanyang sarili na patayin kaagad siya.

Ang panaginip ay tunay na nagpupumilit kay Meyer na noong siya ay nagising, sumulat siya na parang isang babae na tinamaan ng kidlat. Sa napaka-madaling panahon, na lubos na ikinagulat ng kanyang pamilya, ang kanyang mapagpumilit na pagsulat ay hindi lamang nagbigay ng kapaki-pakinabang na kontrata para ilathala (mayaman na siya ngayon), hindi lamang naglabas ng apat na tomo ng mahabang nobela tungkol sa pagmamahalan ng isang bampira at ng isang dalagita (Alamat ng Takipsilim), nguni’t ito ay nagbunga pa sa paggawa ng pelikula bawat nobela. Itong Twilight (Takipsilim) ay mapusok. Mas malaki pa sa Harry Potter. Tila ganitong lahat… mahiwaga at kahima-himala, totoo kaya ito?

Maari kaya na mayroong hindi nakikitang mga hukbo na gumagawa sa likod ng mga pangyayari? Ating alamin. Narito ang isang nakakatakot na bagay. Alam man ninyo o hindi,  ang hindi mabilang na mga kabataan ay hindi lamang nahahalina sa mga nobela at pelikula ng bampira, kundi ang interes sa paginom ng dugo ay mataas na pumapailanglang din. Saliksikin mo sa Google at hanapin mo ang ulat ni Sean Hannity na “Night Neighbors: Members of America’s Vampire Subculture Could Be Living Right Under Your Nose,” o ang makasaysayang mga balita ng ABC, “Real Life Vampires: Who are they?” Kayo ay mamamangha sa inyong matutuklasan. Ito ang katotohanan.  Ang tunay na pagba-bampira ay nakalabas na sa kabaong, at mga totoong tao ang tunay na sumusubok sa pag-inom ng tunay na dugo. Isang madilim na takbo ng panahon.

 

Sinaunang Babala

Alam mo ba kung ano ang sabi ng Biblia tungkol sa pag-inom ng dugo? Una sa lahat, ang kaugalian na ito ay malinaw na ipinagbabawal (Lev. 17:10, Mga Gawa 15:20). Pangalawa, ito ay nakatali sa mundo ng mistikong okultismo. Ang Dios ay nagbabala sa kanyang sinaunang bayan: “Huwag kayong kakain ng anumang bagay na may dugo o gagawa ng mga pangungulam o panghuhula” (Levitico 19:26, NKJV).  Ang pangungulam o panghuhula ay kaugalian ng okultismo. Kaya ang pag-inom ng dugo at ang okultismo ay may kaugnayan, at sa tunay na  dahilan. Nang kapanahunan ng Biblia, ang mga umiinom ng dugo ay madalas ding nagsasagawa ng pangkukulam at ang dalawang magkaibigang ito ay namamalagi pa rin sa ngayon. Sa palabas na Twilight (Takipsilim), si Edward Cullen ay may saykik na mga abilidad, nakakabasa ng isip, at miyembro pa ng “The Olympic Coven.” Ang “Coven” ay isang termino na ginagamit sa mga pangkukulam. Ito at ay luma ng kuwento.

Kung ang isang tao ay malalim na nag-sasaliksik ng banal na mga pahina ng Biblia, ang katotohanan tungkol sa isang dakilang digmaan ay lalabas. Hindi alam ng karamihan,  ang hindi nakikitang labanan na sa ngayon ay pumapag-itan sa Dios at sa nahulog na anghel na si “Lucifer,” na ang kaibuturan ng saysay ay tungkol sa dugo. Halos dalawang libong taon na ang nakakaraan, isang nakakasawing  Huwebes ng gabi, ng ang isang lalaki na nagngangalang Hesu Kristo ay nagbahagi ng katas ng pinigang ubas sa Kanyang mga alagad, sa loob ng isang maliit na silid sa Herusalem. Siya lamang ang nakatanto ng lubos na kahulugan ng matamis na inuming gamot na ito. “Ito ang dugo ng bagong tipan, na nabuhos para sa maraming tao, para sa kapatawaran ng mga kasalanan” (Mateo 26:28). Si Hesus ay hindi namahagi ng totoong dugo ng tao, kundi katas ng ubas na kumatawan sa Kanyang hindi pa natatapos na sakripisyo para sa mga kasalanan ng sanlibutan.

Sa kinabukasan, Siya ay pumanaw, ipinako sa pagitan ng dalawang magnanakaw. Habang Siya ay nakabitin doon sa krus, papatak-patak na ibinabad ng Kanyang dugo ang puno ng kahoy, na nakaalalay sa Kanyang binugbog na katawan. Ano ang ibig sabihin ng lahat na ito? Pinaliwanag ng Biblia ang hiwaga: “…Si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan.” (I Corinto 15:3). Kinikilala ng huling aklat ng Biblia ang mga tao na tumalo sa isang hindi nakikitang kaaway. Huwag mong pakawalan ito: “At kanilang pinanagumpayan siya sa pamamagitan ng dugo ng Tupa [Hesu Kristo]…” (Apokalipsis 12:11, idinagdag ang pagpapahalaga). Ang ibig sahihin nito ay tayong mga “makasalanan” (na lumabag sa utos ng Dios) ay gayunmay makakapasok din sa langit sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Hesu Kristo, na Anak ng Diyos, at sa pamamagitan ng mga katangian nitong makaharing sangkap,  na ibinuhos Niya sa krus. Batid ito ng Diablo, kaya  kinamumuhian niya ang dugo ni Kristo. Ito ang dahilan kung bakit binigyan niya si Stephanie Meyer ng ganoong panaginip, at kaya rin binubulag niya ang ating lahi ng mga pangkukulam, mga bampirismo, at kahit ang pag-inom ng tunay na dugo. “Kahit na anuman para mabighani ang mga makasalanan at malayo sa dugo ni Hesu Kristo,” malihim niyang ibinubulong. Batay sa popularidad ng Twilight (Takipsilim), ang kanyang pamamaraan ay naging isang maka-demonyong pagtatagumpay.

Pagsalin ng Dugo

Ang palabas na “Twilight (Takipsilim)” ay may pangakit na dalawang bahagi. Una, ito ay nakakabighaning mga kasaysayan tungkol sa bampira, at aswang; at pangalawa, Ito ay isang kasaysayan na kumikilos ng puso tungkol sa pagmamahalan nina Edward at Bella.

Sa aklat ni Robert Coleman na “Sinulat sa Dugo,” isang batang lalaki na ang pangalan ay Johnny ang nanaig sa isang nakamamatay na sakit. Sa kasawiang palad si Mary, na batang kapatid niya ay nagkaroon din ng ganitong sakit at nalalapit na sa kamatayan. “Siya ay kailangang masalinan ng dugo o siya ay mamamatay,” ang wika ng doktor sa kanyang mga magulang, “at tamang-tama ang dugo ni Johnny dahil napanagumpayan na niya ang sakit na ito.” Ang lahat ay napatingin sa batang lalaki. “Ibibigay mo ba ang dugo mo?” ang nakakapangluhang tanong ng kanyang mga magulang. Natigilan si Johnny. Ang kanyang labi ay nanginginig. Sa wakas ay kanyang ibinulong. “O sige, dahil kapatid ko naman siya eh.” Dali-dali silang nagtumulin patungo sa ospital.  Sa loob ng silid ng pagpapaopera, si Johnny at Mary ay nahiga na magkahiwalay ng kama, na malapit sa isat-isa. Ang katawan ni Johnny ay malusog habang  maputla naman at mahina ang kay Mary. Hindi sila umiimik. Ng magtagpo ang kanilang mga mata ay ngumiti si Johnny. Ikinabit na ang mga tubo, isang karayom ang itinusok sa braso ni Johnny at ang mapulang dugo ay nagumpisa ng dumaloy. Nang matapos na ang pagsasalin, pinutol ni Johnny ang katahimikan ng sa nangangatog na boses ay kaniyang tinanong ang manggagamot, “kailan po ako mamamatay?” Noon lamang naunawaan ng doktor kung bakit nanginig ang labi ni Johnny noong siya ay pumayag sa pagsasalin. Akala niya siya ay nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang kapatid. Nguni’t talaga naman na nais niyang  gawin ito sapagka’t mahal niya ang kanyang kapatid, at ang paglalaan ng kanyang dugo ay ang pinakamataas na katibayan nito.

 Ang Iyong Pagpili

Mahal naming palabasa, may isang nagnanais ngayon na mabihag ang iyong puso. Ang kanyang pangalan ay Hesu Kristo. Ang mga bampira ay kumukuha ng dugo, nguni’t Siya ay nagbuhos ng kanyang dugo para sa iyo. Pagkaraan ng tatlong araw ay bumangon Siya mula sa mga patay. Manalig ka sa akin, na ang kanyang pag-ibig ay higit kaysa mga bampira, kabilang na dito ang kay Edward. Ang dugo Niya lamang ang tanging makapagliligtas sa ating mga kaluluwa. Ngayon ang panahon para magsisi sa ating mga kasalanan at magtiwala kay Hesu Kristo (Mga Gawa 20:21). Sa ngayon na mga huling araw, bago Siya bumalik (John 14:3), huwag mong pabayaan na ibaling ni Lucifer ang iyong puso sa hindi tamang dugo.

HopeTV Philippines  Tagalog Bible Study