Mga Sakuna Ng Kalikasan
Ano Ba Ang Nangyayari Sa Mundo?
Marahil napansin mo, na ang ating Planeta ay parang pinaghihiwalay sa kanyang batayan sa mga araw na ito. Halos bawa’t linggo ay nakakarinig tayo ng mga bagong ulat na mayroong isa pang lindol, sunog, baha, o buhawi na sumasaklaw sa libo-libo, o sampung libo-libo, o kahit na daan-daang libo, patungo sa loob ng malamig na pagkakahawak ng kamatayan hanggang sa kabilang-buhay. Ito ay nagbibigay ng dalamhati sa ating mga puso. “Ang kaguluhan ng sanlibutan ay dumadami sa bawa’t pihit ng panahon,” ang panaghoy ni Tina Brown, Pangunahing Editor ng Newsweek. Kanyang ipinagtatakang itinanong kung, “Nasira na kaya ang mundo?” (1)
Sa katotohanan, hindi natin matutuklasan ang tunay na kasagutan sa panonood lamang natin ng programa sa CNN o Fox News. Maniwala man tayo o hindi, ang mapapanaligan lamang natin hanggang sa pangwakas na minuto at tunay na impormasyon kung bakit ang mga kalunos-lunos na mga kasawian ay dumadami sa buong sanlibutan, ay ang isang lumang kasulatan na may misteriyosong mga hula na tinutukoy mismo ang ating salinlahi.
Ito ay ang huling aklat ng Banal na Kasulatan: Ang aklat ng Apocalipsis. Pansinin nating mabuti kung papaano inilalarawan ng Apokalipsis, kung ano ang dagling mangyayari bago dumating ang Pangalawang Pagparito ni Hesu Kristo – ang mga makalangit na anghel ay inilalarawan na pinipigil ang mapanglaw na mangyayari sa buong sansinukob: “At pagkatapos ng mga bagay na ito, ay nakita ko and apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng sanlibutan, na pinipigilan and apat na hangin ng lupa upang hindi umihip ang hangin sa lupa, sa mga dagat, o sa anumang punongkahoy. At nakita ko ang isa pang anghel na nanggagaling sa silanganan na taglay ang tatak ng Dios na buhay. At siya ay sumigaw ng malakas na tinig sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihan na saktan and lupa at ang dagat, na sinasabi, ‘Huwag ninyong saktan ang lupa, ang dagat, o mga punongkahoy, hanggang hindi natin natatatakan ang mga lingkod ng Dios sa kanilang mga noo” (Apokalipsis 7:1-3).
“Ang apat na hangin ng lupa” ay kumakatawan sa buong mundong labanan, digmaan, at lalo na sa mga natural na sakuna; at ang “apat na mga anghel” na humahadlang sa mga hangin ay kumakatawan sa mapagbigay at mapagkawanggawang lakas ng isang nagmamahal na Manlalalang, na kahit na sa ngayon ay pumipigil sa lahat ng puwersa na makahilagpos. Ngunit habang tayo ay nalalapit sa “dakilang araw” ng Makapangyarihang Dios (tingnan ang Apokalipsis 6:17), itong mga makalangit na mga bantay ay unti-unting pakakawalan sa wakas ang kanilang mahigpit na pagkakahawak sa nagpupumiglas at madalas na binibigyang buhay ni Satanas – mga masasamang puwersa tulad ng kamatayan at katampalasanan. Ito ang tunay na dahilan kung bakit ang mga nakamamatay na sakuna ay dumadami sa bawat araw.
Isang mapagisip at maalam na Kristianong manunulat ang nagpahayag ng ganito: “Ang pumipigil na Espiritu ng Dios kahit na sa ngayon ay iniuurong mula sa sanlibutan. Mga unos, bagyo, silakbo, sunog at baha, kasakunaan sa dagat at lupa, ay magkakasunod na mangyayari na may kadalasan. Sinisikap ng Agham (Science) na ipaliwanag ang mga ito. Ang mga tanda na kumakapal sa paligid natin, na nagsasabi na malapit na ang pagdating ng Anak ng Dios, ay ipinalalagay na dahil sa ibang sanhi, maliban sa tunay na katwiran. Hindi maintindihan ng mga tao ang mga anghel na bantay na makalangit, na pumipigil sa apat na mga hangin, na hindi sila iihip hangga’t ang mga lingkod ng Dios ay matatakan; nguni’t kung iutos na ng Dios sa Kanyang mga anghel na pakawalan na ang mga hangin, ay magkakaroon ng tanawin na paglalaban-laban na hindi maaaring ilarawan ng anumang panulat.” (2)
Ipinaliliwanag nito ng sakdal ang mga katotohanan. Ang mga siyentipiko na hinubog sa Unibersidad ay maaaring magbigay ng ibang paliwanag, ngunit ang katotohanan ng dumadaming “kasakunaan sa dagat at lupa” ay nagpapakita lamang na ang pumipigil na Espiritu ng Dios ay inaalis na sa sanlibutan kahit na sa ngayon.” Ngunit bakit? Ano ba ang ginagawa ng sangkatauhan upang bigyan ng sanhi ang Lumalang ng langit at lupa para alisin ang Kanyang pag-iingat sa Kanyang mga nilalang, mga minamahal, at mga nais na iligtas? Ang sagot ay nakakagulat, nguni’t payak. Sa bawa’t kontinente, sa bawa’t siyudad na puno ng masamang usok, mga isla sa tropiko sa ibayo at kalagitnaan ng malalim at bughaw na dagat, ang malawak na karamihan na nananahan sa lupa na sa ngayon ay hayagan, walang ingat, at mapilit – walang pagkatakot sa walang hanggang kahihinatnan – ay lumalabag ng Sampung Utos, na sinasabi ng Biblia na orihinal na “isinulat ng daliri ng Dios” (Exodo 31:18) sa dalawang tapyas na matibay na bato. “Huwag papighatiin ang Banal na Espiritu,” ang sulat ni Pablo sa Efeso 4:30. Nguni’t sa ngayon, mga walang pag-galang sa relihiyon, mga mahilig sa kasayahang kahit na anuman ang mangyari, mga napakaraming tao na mawilihin sa kalayawan ang gumagawa nito mismo sa loob ng 24 oras pitong araw ng isang linggo. Ito ang tunay na dahilan kung bakit ang Dios ay iniuurong ang Kanyang kamay.
Narito ang mahalagang Sampung Utos ng Dios sa simpleng wika:
1. Unahin muna ang Dios
2. Huwag sambahin ang mga dios-diosan
3. Igalang ang Pangalan ng Dios
4. Ingatang banal ang ika-Pitong araw
5. Igalang ang iyong mga magulang
6. Huwag papatay
7. Huwag mangangalunya
8. Huwag magnanakaw
9. Huwag magsisinungaling
10. Huwag mang-iimbut
(Basahin ang Exodo 20:3-17)
Alinsunod sa Aklat ng Dios, ang paglabag sa Sampung utos ay kasalanan. Pinagtibay ni Juan na “Ang kasalanan ay pagsalang-sang sa kautusan” (I Juan 3:4). Subalit, “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Dios sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak” (Juan 3:16) upang tiisin ang buong kaparusahan nitong nasirang batas, sa malupit na krus para sa lugar natin. Ang Magandang Balita ng Langit ay “Si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan,” (1 Mga Taga Corinto 15:3). Kung ninanais nating magsisi, mangumpisal, at manalig kay Hesus na ating Tagapagligtas, “Siya ay tapat at makatuwiran na magpapatawad sa ating mga kasalanan, at lilinisin tayo sa lahat ng ating mga kamalian.” (1 Juan 1:9). Silang gagawa nito ngayong mga huling kapanahunan – na sa ganito ay kanilang ipakikita ang kanilang pagtatapat sa bawa’t isa ng Sampung Utos – ay tatanggap ng “Tatak ng Dios na buhay.…sa kanilang mga noo.” (Apocalipsis 7:2, 3) Sila din ay tunay na iingatan kapagka ang “apat na mga hangin” ay ganap ng pinaalpas at “ang Diablong si Satanas” (tignan ang Apocalipsis 12:9) ang siya nang lubusang magkakaroon ng kontrol.
Kahit gaano kalupit at nakakasalanta ang malalaking lindol, nakakamatay na mga sunami (tsunami), di-mapigilang mga apoy, umaapaw na baha, at kasuklam-suklam na buhawi, gayon pa man, ay may isang hangarin ang Dios kung bakit pinahihintulutan Niya ang malagim na mga pangyayari upang gibain ang Kanyang sanlibutan. Sa maikling pananalita, nais niyang taimtim na makuha ang ating pansin. “Magsisi,” ay ang Kaniyang nagpupumilit na pakiusap sa gitna ng mga unos. Ngunit kakaunti ang nakikinig. Isang maingat na pag-aaral ng aklat ng Apocalipsis ang nagpapahiwatig na may mga taos-puso, ngunit ligaw sa landas na mga relihiyosong mangangaral na sa wakas ay magkakaroon ng maling pagkaunawa sa mga nangyayari at ipahahayag na ang “Diyos ay tuluyang pinaparusahan ang tao dahilan sa kanilang pagtanggi na ipangiling banal ang araw ng Linggo,” kahit malinaw na kinikilala ng Sampung Utos at tinutukoy na ang ika-Pitong araw (Sabado) ay ang siyang tunay na araw ng kapahingahan. Kung ikaw ay makakarinig kailanman ng ganitong paliwanag tungkol sa mga kasulukuyang nangyayari ay huwag kang padaya sa ganitong kaisipan. Basahin ang Exodo 20:8-11 at Apokalipsis 14:12. Ang Biblia ang siyang naglalahad ng katotohanan.
Isang linggo ng gabi, Oktubre 8, 1871, ang kilalang mangangaral na si Dwight L. Moody ay nangangaral sa isang malaking kapulungan ng maraming tao sa Chicago tungkol sa kahalagahan ng pagpapasakop ng makasalanan kay Hesu Kristo. “Manawagan ka na magpasya na sila ngayon!” ang nagpupumilit na impresyon at diin ng Banal na Espiritu sa mangangaral. Nguni’t si Moody ay nag-atubili. Sa halip, sinabi niya, sa kanyang nabibighaning mga tagapakinig na hihilingin niya ang kanilang pasya sa susunod na linggo. Ang malaking grupo ng mga taong ito ay hindi na nakabalik. Sa pagtatapos ng huling awit, ang sirena ng mga trak ng bombero ay nagpahayag na ang Napakalaking Sunog sa Chicago ay nagsimula na. Ang apoy ay nagliyab sa lood ng dalawang araw at daan-daan ang pinatay nito. O ninais ni Moody noong nakalipas na ang mga panahon, na sana ay ginawa niya ang pananawagan!
Mahal na bumabasa nito, maari tayong hampasin ng mga sakuna sa bawa’t sandali. Bukas ay maaaring wala na tayo dito. Nguni’t sa gitna ng pagdurusa ng ating puso at pagkawala ng buhay, ang Dios ay nagdurusa din, tulad noong ang Kanyang Anak ay namatay doon sa Krus. Para tayo ay bigyan ng lakas ng loob at pag-asa, ang Kaniyang Salita ay nangangako na balang araw – kung ang masangsang amoy ng kasalanan ay mawala na magpakailanman – ay “hindi na magkakaroon ng kamatayan, o ng kalungkutan, o ng pagluha, o magkakakaroon pa man ng anumang paghihirap. Sapagka’t ang mga bagay ng una ay naparam na” (Apocalipsis 21:4). Sa ibabaw ng lahat, iyong siguraduhin na hindi ka mawawala sa Langit. Piliin mo si Hesu Kristo, ngayon!
1. Newsweek, editorial, March 28, 2011
2. Testimonies for the Church, by Ellen G. White, Vol. 6, p. 408.
Pacific Press Publishing Association; Mountain View, CA (1941).