facebook script

Mga Hakbang sa Kalusugan

Ang pagiging malusog ay hindi lamang nangangahulugan na walang sakit. Ang mabuting kalusugan ay pamumuhay na may lubos na potensyal – maging pangkatawan, pangkaisipan, pangkaibigan, at pangespirituawal. Tinatawag ito ng Biblia na “masaganang buhay” (tignan ang Juan 10:10), at ito ang eksaktong nais ng Dios na magkaroon tayo. Kanyang sinabi, “Minamahal, idinadalangin ko na masaya mong tamasahin ang mabuting kalusugan at ang lahat ng mga bagay ay guminhawa sa iyo” (3 Juan 2).

Para tulungan ka na dumanas ng masaganang buhay, nagbigay ang Dios ng ilang simple at madaling sundin na mga paraan para mapabuti ang kalusugan. Hindi mo mapipigilan ang lahat ng bagay na nagdadala ng sakit o mga sakuna, nguni’t maaari kang gumawa ng  mga pagpili upang maiwasan mo na malagay ka sa mga panganib at itaguyod ang kalusugan. Narito ang walong simpleng mga hakbang ukol sa mabuting kalusugan na maaari mong umpisahan sa iyong pagsasanay ngayong araw.

1. Unang Hakbang: Pagkain

Ang pagkain mo ay nakakaapekto ng iyong pakiramdam at ng iyong abilidad upang tamasahin ang masayang buhay. Kaya importante ang pagpili ng mabuti at nakakapagpalusog na mga pagkain. Ang orihinal na pagkain sa Halamanan ng Eden ay binubuo ng mga prutas, haspe, mani, at buto ng halaman. Pagkatapos nahulog ang tao sa kasalanan, ang mga damong pagkain ng mga hayop na gamot din, ay idinagdag sa ating pagkain. Ang nakakatuwa, ay ang mga produkto na galing sa mga hayop, na may mataas na kolesterol ay hindi isinama. Kung maluwag na tatanggapin ng mga bayan sa kanluran ang pagkain na walang karne, maraming mga sakit gaya ng nakakapagpatigas ng mga ugat ng dugo ang mawawala at mahuhulog na lamang sa tabing daan. Maraming mga pag-aaral ang nagpapatunay na ang pagkain na batay sa halaman, na ibinigay ng Dios noong paglikha, ay mas napakabuti kaysa iba pa. (tignan ang Genesis 1:29, 30).

2. Pangalawang Hakbang: Hersisyo

Pinanukala ng Dios  na ang katawan mo ay kumilos. Ang pagkakaroon ng malakas na pangangatawan ay nangangahulugan na kaya nating gumawa ng  anumang bagay na kailangang gawin sa bawat araw – na mayroon pang natitirang lakas  at sigla para sa pamilya at sa iba pang mga bagay na malayang  gawain.

Ang isang madali na pangaraw-araw at pangkaraniwang hersisyo ay makakatulong sa iyo upang maabot mo itong antas ng malakas na pangangatawan. Ang paglalakad ay isang malaking bagay sa pasimula. Umpisahan ang paghehersisyo ng mabagal lamang, at dahan-dahang dagdagan kapwa ang oras at katindihan. Maaaring narinig mo na ang kasabihan na kung “walang kirot, walang pakinabang,” nguni’t hindi ito totoo. Ang kirot ay nagpapahiwatig na sobra na ang ginagawa mo. Maghersisyo ka hanggang sa  malalim na ang iyong paghinga pero hindi naman hanggang sa hindi ka na makahinga. Tatlumpung minuto sa isang araw ay isang mahusay na layunin, subali’t dahilan sa ang idinudulot na kabutihan ng paghehersisyo ay unti-unting naiipon, kahit na sandaling mga panahon, tatlo hanggang limang beses sa isang lingo ay makakatulong.

Wala kang oras para maghersisyo? Madalas sa ating sambayanan ang malayang oras ng tao ay puno ng ibat-ibang bagay na nakakaaliw at maluwag sa kalooban, gaya ng TV, mga laro sa video, at sa internet. Kapag pinili ng isa na patayin ang computer, TV, o mga laro sa video at gamitin ang oras sa nakakalusog na hersisyo, palagi itong magtatapos sa masiglang kalusugan. Iyong matutuklasan na ang hersisyo ay mayroong maraming kapakinabangan –  sinusupil nito ang ating timbang, pinangangasiwaan ang pag-aalala, pinapalakas ang ating sistema na lumaban sa sakit, at pinabababa nito ang mga sakit na mapanganib. Maaring dagdagan ng hersisyo ang taon sa iyong buhay, nguni’t higit sa lahat, dinadagdagan nito ng buhay ang iyong mga taon.

3. Pangatlong Hakbang: Tubig

Ang tubig ay lubhang mahalaga para sa buhay. Ginagamit ng maraming tao ang  pagkauhaw bilang isang gabay kung gaano karami ang tubig na kanilang iinumin, subali’t ang pagka-uhaw ay unang tanda ng katawan na siya ay kulang na sa tubig. Lahat tayo ay nawawalan ng tubig araw-araw sa pamamagitan ng pag-ihi, pag-dumi, pawis at singaw na inilalabas ng ating mga baga. Kaya ang mga taong may sapat na gulang, ay kailangang uminom ng anim hanggang walong baso ng tubig araw-araw –  higit lalo na kapagka mainit, o pagka naghehersisyo. Ang tubig ay kailangang-kailangan para sa tunkulin ng ating bato, upang pangasiwaan ang temperatura ng ating katawan, at panatilihin ang ibang tubig na nasa ating katawan. Kaya subaybayan ang paginom nito. Mabuti ang tubig sa iyo at walang kaloridad (calories)! Alalahanin mo na ang kape, soda (soft drinks), at ang alkohol ay hindi maaring ipalit sa tubig. Itong mga ito ay higit na nakakapinsala sa iyong kalusugan. Sa katunayan, ipinakikita ng mga pag-aaral na inuubos ng kape ang tubig sa iyong katawan ng higit kaysa sa kaniyang ibinibigay.

4. Pang-apat na Hakbang: Sikat Ng Araw

Marahil hindi mo aakalain na ang sikat ng araw ay nakakaapekto ng iyong kalusugan, subali’t napansin mo ba kung gaano kadali na ikaw ay mauwi sa pagiging matamlayin at malungkutin, sa mga buwan na taglamig, kapagka maiksi ang mga araw at ang panahon ay palaging makulimlim o naguuulan? Ang sikat ng araw ay tumutulong din sa iyong katawan para gumawa ng bitamina D. Itong mahalaga at nakapagpapalusog na nutrina ang siya ring namamahala ng ating mga hormon sa katawan at pagtubo ng ating mga selula; tutmutulong din ito na sipsipin at gamitin ang kaltsyum (calcium) na kinakailangan para sa malakas na buto at ngipin; at ito din ay gumagawa para mabuo ang malusog na pangangatawan upang hindi tayo talaban ng mga sakit at itaguyod ang sistema ng ating nerbiyo (nervous system).

Gayunman, ang sobrang sikat ng araw ay maaari ding makapinsala at maging sanhi ng mga cancer sa balat. Kaya iwasan ang matagal na pagbilad sa matingkad na liwanag ng araw; magsuot ng sombrero at gumamit ng proteksiyon sa araw.

5. Pang-limang Hakbang: Balanse o Pagtitimpi

Ang balanseng pamumuhay ay isang malusog na pamumuhay. Ang ganitong pamumuhay ay hindi nangangahulugan na “lahat ng bagay ay pagtitimpian.” Kundi, nangangahulugan na maingat na isinasama nito ang lahat ng mabubuting bagay at kaugalian na nagtataguyod ng kalusugan, habang iniiwasan naman ang lahat ng bagay at kinagawian na sumisira ng mabuting kalusugan. Ang pagbabalanse ay tungkol sa pamumuhay na may karagdagang kalidad. Halimbawa, ang pagkain ng marami ay nagbibigay daan sa pagkabalisa ng sikmura, at saka ng labis na katabaan. Ang hindi naman pagkain ng husto ay naghahatid ng panghihina o pagkagutom.  Ang sobrang trabaho ay nagbibigay daan sa pagkapagod o kapinsalaan. Ang kulang naman sa trabaho ay nagbibigay daan sa katamaran at panghihina ng kalamnan. Ang pagiging mahinahon ay susi para maunawaan ang isang malusog na pamumuhay at masayang kabuhayan.

6. Pang-anim na Hakbang: Hangin

Ang hangin ay maliwanag na napakahalaga; kung tutuusin, tayo ay mabubuhay lamang ng iilang minuto kung hindi tayo makakahinga. Nguni’t ang klase ng hinihinga nating hangin ay mahalaga din. Ang maruming hangin ay maaaring maging sanhi ng sakit at kamatayan kung ito’y pagsasama-samahin ng ilang mga araw o lingo – lalo na sa mga maliliit na bata at mga matatanda, o sa mga nagdurusa dahilan sa panghihina ng puso pagka nagsisikip ang paghinga, o sa matagal ng sakit ng baga.

Marahil ang maruming hangin na lubos na nakakapinsala ay ang galing sa paninigarilyo. Ang masasamang epekto ng paninigarilyo ay lubos na dokumentado na wala ng katanungan kung ito ba ay nakamamatay. Para makatulong  na panatilihin ang mahusay na kalusugan, huminga ng malalim ng dalisay, malinis, at sariwang hangin.

7.  Pang-pitong Hakbang: Kapahingahan

Mga kasulatan ang patuloy na nagpapakita na ang mga nasa sapat na idad ay kailangang matulog na mahusay ng walong oras gabi-gabi, upang mabisang gampanan ang tungkulin. Maaring sabihin natin sa ating sarili na tayo’y makakaraos sa kaunting tulog lamang, subali’t ang kulang na tulog ay isang malubhang suliranin sa ngayong mabilis na takbo ng ating sambayanan.

Maliban sa sapat na makukuhang pagtulog, kailangan mo din na isama sa iyong buhay ang kaaliwan. Lumabas isang araw sa kalikasan, ang lakad sa mga bundok o tabing-dagat ay magpapasariwa sa iyo, at makakatulong upang makaya mo ng mabuti ang mga karanasan na nagbibigay diin sa ating buhay. Kinikilala ng Dios ang ating pangangailangan ng pamamahinga at pagpapalubay, sa pamamag-itan ng pagbigay Niya ng isang araw  sa atin sa loob ng isang lingo upang mamahinga – ang ika-pitong araw ng Sabado (tignan ang Exodo 20:8-11).

8. Pang-walong Hakbang: Pagtitiwala sa Dios

Ang espirituwal na sinasaklaw ng kalusugan ay higit na mas mahalaga sa iyong mabuting pagkatao kaysa sa pangkatawan na dahilan. Ang puwersa na nagbibigay diin sa ating buhay, pag-aalala, at pagkakasala ang kumukutkot at nagaalis ng lakas at sigla sa ating buhay, at ito ay maaring pagmulan ng pagkakasakit. Ang pagtitiwala sa Dios, na iyong Manlilikha, ay nagbibigay ng kahulugan sa iyong layunin sa buhay, na makakatulong sa iyo upang mapanagumpayan mo ang mga negatibong epekto ng  pagkabalisa, pag-aalala, at pagkakasala.

Madadagdagan mo ang iyong pagtitiwala sa Dios sa pamamagitan ng araw-araw na pagbabasa ng Kanyang Salita, ang Biblia (tignan ang Roma 10:17). Para sa isang madaling paraan na matutunan mo pa ng lubosan ang tungkol sa Dios at ang Biblia, hanapin sa likuran nito ang inaalay na walang bayad na pag-aaral. Sabi ng Dios, “Silang umaasa sa Panginoon ay mangagbabagong lakas. Sila’y magsisitakbo, at hindi mangapapagod” (Isaias 40:31). Ang pagtitiwala sa Dios ay isang  mahalagang anyo ng mabuting kalusugan.

Pangkatapusan

Itong walong madadaling mga hakbang, patungo sa mabuting kalusugan ay mukhang pangkaraniwan lamang, nguni’t ang mga ito ay makapangyarihan. Simulan mong isakabuhayan ang mga ito ngayong araw – nang makita mo ang kaibahan!

HopeTV Philippines  Tagalog Bible Study