Coronavirus at Immunity
"Ang hindi mo nakikita ay maaaring makasakit sa iyo" ay ang pangunahing linya ng "The Invisible Man." Batay sa klasikong nobela ni H.G. Wells noong 1897, ang Hollywood sci-fi thriller na ito ay umiikot sa isang masamang siyentipiko na nakatuklas sa sikreto ng pagka-di-makita at nagpapahirap sa kanyang dating kasintahan. Walang nakakakita sa kanya, ngunit nakamamatay siya.
Katulad din ito ng sa coronavirus at iba pang mga virus. Hindi sila nakikita. At kaya nilang pumatay.
Paano natin maproprotektahan ang ating sarili mula sa mga nakamamatay na virus na hindi natin nakikita? "Hugasan ang iyong mga kamay, takpan ang iyong bibig kung ikaw ay uubo, at disimpektahin ang mga ibabaw," paghihimok ng U.S. Centers for Disease Control (CDC). Ito ay mahusay na payo. Ganunpaman, nagkakaroon pa rin ng impeksyon. Kaya, ano ang dapat nating nangungunang estratehiya? Ang mga mahuhusay na manggagamot at nutrisyunista ay sumasang-ayon na ang ating pinakamabuting depensa laban sa hindi nakikitang mga kaaway ay ang patatagin ang natural na kakayahan ng katawang labanan ang sakit. Kung gayon, kapag tayo ay nahawaan, ang ating mga selula ay may kakayanang pumatay sa mamamatay, kaysa tayo ang patayin nito.
Pasok: Ang Iyong Hukbo ng Immune. Ang iyong immune system and siya mong pundasyon para sa mabuting kalusugan. Ang nagpoprotektang network nito ay sumasalag ng mga nakakapinsalang bakterya at mga virus. Ito rin ay nagtatanggal ng mga nakakapinsalang lason at gumagawa bilang isang sistemang nagbabantay laban sa mga abnormal na selula. Kasama sa mga depensa nito ang mga pisikal na hadlang tulad ng balat at mga tugon sa papamaga sa mga nasugatang bahagi. Dumidepensa din ito nang may espisipikong tugon ng immune sa mga mikrobyo o impeksyon.
Pananalo sa Panloob na Labanan. Ang paulit-ulit na "pang-iinsulto" sa immune o stress system ay maaaring magpahina sa iyong mga depensa. Maaari nitong dagdagan ang pamamaga, sirain ang kalusugan, itaas ang panganib sa ilang mga sakit, at magpaikli rin ng buhay. Ang palagiang stress, hindi magandang pagkain, at kakulangan ng ehersisyo o pagtulog ay maaaring pumilay sa iyong “hukbo” ng immune. Ganito rin ang ginagawa ng alkohol at paninigarilyo. Ang malusog na mga pagpili sa pamumuhay, positibong buhay panlipunan, at tiwala sa isang mapagmahal na Lumikha ang nagpapalakas, nagpapatatag at nagbabalanse ng iyong mga depensa. Sama-sama, katulad sila ng mga mahusay na tropang may kasanayan para sa kalusugan ng inyong immune at stress system.
Pakilusin ang Iyong mga Depensa. Walang parasyutistang sundalo ang tatahi ng kanyang parasyut habang bukas ang pintuan ng eroplano. Oras yun para tumalon! Hindi mabibili ang malakas na kalusugang ng immune. Ang mga produktong nangangako ng mabilis na pag-aayos sa isang krisis ay nakalilinlang. Ang tanging paraan upang maging handa sa mga panahon ng stress ay sa pamamagitan ng pagsasanay ng mabuting pisikal, mental, at espirituwal na kaugalian araw-araw. Hindi pa huli upang magsimula! Maaari mo pang palakasin, patatagin, at balansehin ng iyong immune na pandepensa laban sa mga mapanupil na virus. At pakiusap, palaging makipag-ugnayan sa pangangalaga ng iyong kalusugan.
Magpalakas Gamit ang mga Antioxidant. Ang mga antioxidant ay matitinding pampalakas ng immune.
Tinatanggal nila ang mga nakakapinsalang oxidant o free radical sa daluyan ng dugo. Ang mga oxidant ay mga nakakalasong produkto ng normal na metabolismo. Resulta rin sila ng pagkakalantad sa usok o iba pang mga lason sa kapaligiran. Ang mga free radical ay maaaring sumira ng DNA at magpahina sa immune system ng katawan. Ang mga antioxidant ay bumabawas ng pinsala at nagpapalakas ng immune system. Maaari mong paramihin at palakasin ang kanilang bisa sa pamamagitan ng:
- Pagkain ng mas maraming mga sariwang prutas at gulay. Ang sitrus, tseri at beri ay sadyang may mataas na nutrisyong antioxidant. Ang mga berdeng berdeng gulay tulad ng kale at broccoli ay mayaman sa antioxidant na bitaminang A, C, at E. Ang pagkain ng iba't ibang berde at dilaw na gulay ay nagdaragdag ng antas ng carotenoids sa dugo. Ang carotenoids ay mga antioxidant na iniuugnay sa mas mababang antas ng mga sintomas na may kaugnayan sa stress tulad ng insomnia at pangangati. [i]
Ang bitamina D, bitaminang mula sikat ng araw, ay mahalaga rin sa malusog na gawain ng immune.[ii] Kung may pag-aalinlangan sa lebel ng iyong Vitamin D, maaaring mag-order ang iyong doktor ng isang simpleng pagsusuri sa dugo upang masuri.
- Pagkuha ng mas maraming hibla sa pagkain. Ang mga makukulay na gulay, prutas, beans, buong butil, mani, at buto ay naghahatid ng pampalakas-immune na mga bitamina, mineral, at phytochemicals. Kasama ng mga hibla, tumutulong silang kontrolin ang asukal sa dugo at balansehin ang insulin. Pinabababa rin nila ang mga hormone ng stress at pamamaga. Tinutulungan ng hibla ng halaman na makontrol ang gana sa pagkain at pangasiwaan ang timbang. Ang labis na taba ng katawan ay nagbubunsod sa hindi kanais-nais na pamamaga, isang dahilan kung bakit ang labis na katabaan ay nagdaragdag ng peligro sa maraming hindi gumaling-galing ng karamdaman at nakakahawang mga sakit. Uminom ng maraming tubig sa halip na mga matatamis na inumin upang mapagbuti ang sirkulasyon at bawasan ang mga pamatay-immune na kaloriyang mula sa asukal.
- Pagtangal ng mga pulang karne, produktong gatas na mataas sa taba at piniritong pagkain. Ang isang dyetang may mataas na taba ng hayop, pininong mga butil, asukal, at prinipritong pagkain ay nagdaragdag ng pinsala ng free radical. Ang pinsala dulot ng free radical ay may kaugnayan sa mataas na panganib sa impeksyon, diabetes, sakit sa puso, demensya, at ilang cancer. Sa halip, magpalakas sa protinang galing sa halaman sa pamamagitan ng beans, gulay, buong butil, at mga pastang gawa sa iba’t- ibang butil. Ang mga gawa sa gulay na pamalit sa karne ay maaaring magamit sa halip na mga produktong karne. Gumamit ng olive oil at lemon na sarsa sa salad. Magpokus sat taba na omega-3 sa pamamagitan ng paglalangkap ng mas maraming walnut at buto ng flax sa iyong pagkain.
Magpatatag sa Pamamagitan ng Ehersisyo. Ang ehersisyo ay hindi lamang pumuprotekta sa immune system kundi ngpapalakas din ito. Ang regular na paglalakad ay maaaring parehong magpalakas ng tugon ng antibody at ng tugon ng natural na pumapatay (T cell).[iii] Pinabababa nito ang pamamaga ng buong katawan at pinapabuti ang kalusugang metaboliko. Ito ay isang tunay na "tadyak sa gat" sa mga mananakop na virus! Ang pang-araw-araw na ehersisyo ay nagpapabuti ng kondisyon ng kalooban, nagpapababa ng pagkabalisa, at nagpapataas sa isang pakiramdam ng kagalingan.[iv]Ang isip at katawan ay nagtutulungan. Itong positibong estado ng kaisipan ay may karagdagang benepisyo ng pagpapalakas ng kalusugan ng immune.
Bumalanse sa Pamamagitan ng Pamamahala ng Stress. Ang pabalik-balik na stress ay pinsala sa kalusugang immune. Maaari itong maging sanhi ng depresyon, pagkabalisa, pagiging malimutin, pagkamayamutin, at maging pagkataranta. Ang palaging na pagiging negatibo at pag-aalala ay pwedeng magdudulot ng mabilis na pintig ng puso, pagkapata, at pagpapawis. Maari din itong magdulot ng pananakit ng kalamnan, sakit ng ulo, at diperensya sa pagtulog. Ang ating mga saloobin at salita ang pinagmumulan ng ating mga kilos. Nakatuon ka ba sa mga problema o sa solusyon? Ano ang ilang magandang na paraan upang tratuhin ang stress? Subukang maglakad, makipag-usap sa isang kaibigan, o tumulong sa isang nangangailangan. Marami ang nakakatagpo ng kapayapaan sa pakikipag-usap sa Diyos sa panalangin at pagsasaulo ng Kanyang mga pangako. Alamin kung ano ang nasa iyong kontrol at ipagkatiwala ang matitira sa Diyos. Maglaan ng oras upang alimin at gawin ang pinakamahahalagang prayoridad sa iyong buhay. Balanse ba ang iyong trabaho, pamilya, at pakikipagkapwa? Ang mga ito ay ilang paraan upang sugpuin ang stress at protektahan ang iyong immune system. "Magbawas ka, kung hindi, babagsak ka” ay isang mabuting payo.
Maniniwala at Magtiwala. Ang mundong ito ay isang lugar ng labanan, hindi isang palaruan. Tayong lahat ay may maliliit na pakikipagbaka na dapat labanan sa pisikal, mental, at espiritwal na bahagi ng buhay. Ang mga prinsipyong ibinahagi dito ay makatutulong sa iyo na mabawasan ang panganib ng pagkakasakit at matalinong lumaban sakaling mangyari ito. Ngunit sa mundo na puno ng pighati, kawalan ng katarungan, at kasalanan, walang lobus na garantiya ng kalayaan mula sa mga pagsubok at sakit. Iyon ang dahilan na kailangan nating lahat ng isang tunay, na sa ngayon ay hindi nakikitang Katulong. Ang Katulong na iyon ay si Jesucristo, ang ating Tagapagligtas, Manggagamot, at Pinakamalapit na Kaibigan. Hindi lamang Siya namatay sa isang malupit na krus para sa ating mga kasalanan, kundi Siya ay nabuhay mula sa mga patay (1 Mga Taga-Corinto 15: 3-4).
Binigyan tayo ng Diyos ng mga prinsipyo upang mabawasan ang panganib. Ngunit kung magdusa tayo, hindi Niya tayo pababayaan. “Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina: iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit.” (Awit 41: 3 TAB). " Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan." (Isaias 40:29 TAB).
Ano man ang mangyari, inaanyayahan ka ng Diyos na magtiwala sa Kanya ngayon. Maaari kang umasa sa isang kahanga-hangang walang hanggan na walang sakit, luha, karamdaman, o kamatayan man. Ipinangako Niya ang kahanga-hangang hinaharap na ito sa lahat ng magkakaloob ng kanilang buong puso sa Kanya.
Sa mundong ito na nahawaan ng Corona virus, ang ating di-nakikitang Katulong ay kayang tumalo sa lahat ng mga kaaway na hindi nakikita. Huwag matakot. Patuloy na tumingin sa itaas!
Para sa dagdag na impormasyon at mapagkukunan ng kaalaman, bumisita sa glowonline.org/immunity
[i] Mediators Inflamm 2015:doi 10.1155.824589 online pub.
[ii] J Investig Med 2011;59(6)881-886.
[iii] J Sport Health Sci 2019;8(3):201-217.
[iv] Front Psychol 2018;27:doi 10.3389 online pub.
Ang mga talata ng kasulatan ay mula sa Tagalog: Ang Dating Biblia® ng Philippine Bible Society. Ginamit na may pahintulot. Ang lahat ng karapatan ay nakalaan.
HopeTV Philippines Tagalog Bible Study